Monday, August 22, 2011

Angkas


Sino ang hindi matutuwa kapag tayo ay nakakakita ng ministrong layko sa Eukaristiya na naka-sakay sa kanyang motorsiklo, angkas ang mga anak patungong kapilya ng kanilang pamayanan upang manguna sa liturhiya? Napapanahon nga ang salitang “angkas” sa paglalarawan ng pagkilos ng mga laykong ito ng ating Simbahang lokal dito sa Kanlurang Mindoro.

Noong Sabado, ika-20 ng Agosto ay naanyayahan ako ng mga Lay Minister of the Eucharist o LME ng Parokya ni San Jose, ang Manggagawa, sa Katedral sa kanilang regular na pulong upang magtalakay ng isang paksang may kinalaman sa Panlipunang Turo ng Simbahan sa konteksto ng mga panlipunang kaganapan ngayon sa bansa. Naging katuwang ko sa pagbabahagi ang isa ring lider-layko ng parokya sa katauhan ni Dra. Myrna G. Zapanta, MD na siyang tserperson ng Komite sa Pagsamba ng ating Konseho Pastoral o PPC. Ang okasyon na ito ng paghuhubog ay nagsilbing pakiki-“angkas” namin sa paglalakbay ng ating mga boluntaryo ngunit masisigasig at tapat na LME, datapwa’t katulad nating lahat na nagsisikap na maging seryosong ka-manlalakbay ng Simbahan at pananampalataya. Sa pagtupad ng misyon ni Kristo.

“Angkas”. Ito ang ating itatampok sa ikalawang sulatin sa blog na ito sa diwa ng Buwan ng Wika. At noong taong 2006, ang Diyosesis ng Catarman (Samar) at ang Sacred Heart Institute for Transformation (SHIFT) Foundation ay nagpa-limbag ng isang sangguniang manwal para sa kanilang pagdiriwang noon ng Taon ng Panlipunang Pakikisangkot at tinawag din nila itong “AngKaS” o “Ang Katekismong Samarnon”. Sa paunang salita ng manwal, ayon kay Sr. Lydia Collado, RSCJ na siyang Tagapamahala ng Programa ng SHIFT, “The Church is in the same situation, moving with its people. While the main core of its teaching, the Magesterium, remains basically unchanged, other elements of this doctrine, like its social teachings, adapt to the changing world…” Salamat sa paanyaya at higit sa lahat sa tiwala ng mga LME ng San Jose na sina Jess Dejesa, Sonny Tanteo, Manuel “Boy” Ramos, Emil Bihag, Pedong Pablo, Benedicto Syquio, Rey San Jose, Tirso Espiritu at iba pa na nakasama ko noong isang Sabado.

Sa wikang Filipino, ang depinisyon o kahulugan ng salitang “angkas” bilang pandiwa (verb) ay maaaring “sumakay sa sasakyan (panlupa man o pandagat) na may kasama upang maglakbay". O maaari rin namang ito ay “sumakay upang maging kasama sa pagbibiyahe o ka-lakbay”. O sa kolokyal, simpleng maki-”hitch-ride” o “maki-sakay” lang kumbaga. Bilang pangngalan (noun) ang “angkas” ay isang tao na gustong marating ang kanyang destinasyon at sumakay sa anumang sasakyan anuman ang kondisyon kahit may anumang balakid sa kalsada o daraanan. Maaari ring ang “angkas” ay isang taong may lubos na tiwala sa nagmamaneho at siyang nangunguna sa paglalakbay, samakatuwid, isa siyang seryosong kasama sa misyon at paglalayag. Ang “angkas” ay maaari ring tao na gumagalaw at kumikilos, lumilipat ng lugar na naglalayong maka-sumpong ng kahulugan ng buhay at upang mabuhay. Katulad nang marami nating mga OFW sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

Masarap din pala ang paminsan-minsan ay nakiki-“angkas” lang sa gawain ng iba. Mahirap rin ang palagian ikaw na lang ang nagmamaneho ng sasakyan. Mas mabuti na ang ganito na tumutulong na lang sa pagsagwan sa mga maliliit na bangka at ihagis ang aking gulanit ngunit pinipilit na hayumahing lambat kahit man lang sa kababawan. Kaysa naman sa magpatianod na lamang sa laot ng kawalang-katwiran at pagwawalang-bahala lalo na ang sumagwan nang pasalungat, salisi at lihis.

Lalo na kung ang kapitan at mga punong mamamalakaya ay masyadong abala sa ibang bagay na ‘di naman talaga mai-kakaila na nakahuhuli rin naman nang maraming tao…

-------
(Photo from : Motorcycles Asia.Net)

Friday, August 19, 2011

Unlad Wika (Para sa Buwan ng Wika)


Sabi ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State of the Nationa Address o SONA kamakailan, pasalamatan daw natin ang ating mga naging guro. Komo ngayon ay Agosto at Buwan ng Wika, sa pamamagitan ng sulating ito ay aking pinasasalamatan ang aking mga nagging guro sa sekundarya at sa kolehiyo sa asignaturang Filipino na sina Gng. Teresita Adarlo, Resyjane Tabangcura, Nelia Alfor at Bb. Soledad Poblete. Sila ang aking mga pinagpipitaganang guro na nagbukas sa aking kamalayan sa ating Pambansang Wika. Kaarawan nga pala ngayon ng isa ring Pangulo na tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa, si dating Pang. Manuel L. Quezon.

Noong ako ay nasa kolehiyo pa lang sa Occidental Mindoro National College o OMNC na kumukuha ng Batsilyer ng Edukasyon (BSE), ang hindi ko makakalimutang kurso sa asignaturang ito ay ang Filipino 4 na may titulong “Sining ng Pagsasaling-wika”. Si Bb. Poblete ang guro ko noon. Sa nasabing asignatura ay malaking bagay ang mga kaalamang napulot ko sa aking kasalukuyang Gawain bilang isang tagapag-padaloy sa mga pagsasanay na inilulunsad sa mga pamayanan. Lalo na ang paghahanda ng mga modyul na gagamitin at ang pagsasalin ng mga ito mula sa wikang Englis tungo sa Filipino. Pero hindi ako sumali noon sa anumang samahang pang-mag-aaral lalo na ang SAMFIKO o ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino na itinatag noong 1987 yata ng mga guro sa Filipino at ang naging tagapayo nila ay si Gng. Tabangcura. Sa isang organisasyon lamang ako napabilang at ito ay ang Patnugutan ng The Image, ang aming pahayagang pang-paaralan.

Ang wika ay isang kasangkapan sa katotohanang sa wika naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan at saloobin. Bilang susog sa aking patotoo sa itaas na malaki ang naitulong ng kaunting kasanayan ko sa pagsasaling-wika, nabatid ko na sa wika ang tao ay nagkakaroon ng pagkakataong makipag-interaksyon sa kanyang kapwa, sa lipunan at sa pamayanang humuhubog ng ating kamalayan. Wika din ang nagpapalaya sa ating damdaming sinisikil o sinisiil sa ating kalooban. At kung maniniwala tayo kay P-Noy, marahil ay wika din ang pinaka-mabisang sandata upang isuplong at itakwil ang mga “wang-wang” upang tayo at ang bansa ay bumagtas sa sinasabi niyang “tuwid na landas”.

Pilipino tayo at Filipino ang wika natin. Noong nasa elementarya pa tayo, ang tawag sa tao ay “Filipino” at “Pilipino” naman ang sa wika imbes na “Tagalog”. “Pilipino” noon ang tawag dahil nga idineklara ng Kagawaran ng Edukasyon noong ika-13 ng Agosto 1959 na “Pilipino” ang ating Pambansang Wika. Pero nang lumaon sa lumabas ang mga purista sa wika. Gusto nilang gawing literal ang pagsasaling-wika. Halimabawa dito ay ang “eroplano” na ginawang “salipawpaw”; ang “silya” ay “salumpuwit” at iba pa. Isipin na lang natin kung papaano magiging katawa-tawa ang pagsasalin kung puristang pamamaraan ang ating gagamitin. Ang “bra” ay isasalin ba na “salung-suso”? O ang “karsunsilyo” o “brief” bilang “salong-bola” o “salong-gonisa”?

Ayon sa ating bagong Saligang Batas, sa Artikulo XIV; Sek. 6, “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay kinakailangang payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.” Samakatuwid, sa wikang Filipino, maaaring maging bahagi nito ang mga likhang salita na sa atin lamang nagmula at walang pinag-halawan. Kagaya ng “ermat”, "erpat” o mga gay lingo kagaya ng “chaka”, “tsugi”, “chuvachenes” at iba pa. Maging ang jejemon sa aking palagay, kung magtatagal at hindi malulusaw sa ating kultura ay maari ring maging bahagi nito. Sa hinaharap ay inaasahan din na lalawak ang bikabularyong Filipino. Nadagdagan na rin an gating alfabeto bagama’t hindi pa natin gagap nang gaano ang paggamit nito. Sa akin, English man o Filipino, kung saan mas madali akong maintindihan at mas madali para sa akin ay doon ako. Ang mahalaga, anumang wika ang gamitin ay gamitin na ito nang maayos hangga't maaari

Dinamiko ang ating wika. Walang nakatutukoy kung saang punto ng ating kasaysayan ito lumago. Ngunit sa dalawang pamamaraan laman matutukoy na ito ay umusbong, yumabong at namukadkad : Una, sa hindi inaasahang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t-isa, at ikalawa, sa planadong pamamaraan sa pamamagitan ng mga pormal na surian at linangan ng wika.

Para din lang palang UNLAD Mindoro Face group ang wikang Filipino. Mula sa hindi inaasahang tatagal na ugnayan ay nagkaroon ito kagyat ng mga plano upang magpatuloy…

-------
(Photo from Edith Escalante's file)


Thursday, August 11, 2011

Dark Days in My Province


A Power Forum was held last Tuesday, August 9, at the Occidental Mindoro National College (OMNC) Gymnasium in the capital town of Mamburao. While members of the Provincial Legislative Board are busy with the administrative case filed against Mayor Jose T. Villarosa of San Jose, around 200 participants composed of barangay and town officials of Abra De Ilog, Mamburao, Paluan and Sta. Cruz gathered to discuss in impending total blackout this coming 28th of this month due to fuel shortage as disclosed by the NPC-SPUG operating in the whole island. The activity was spearheaded by the Occidental Mindoro Electric Cooperative or OMECO and it is geared towards informing the public about said power crisis situation and draw immediate solutions on the matter.

We were informed through his presentation by a Mamburao-based Serve OMECO member Rodolfo A. Plopinio that the three towns in the northern tip of the province had a long history of struggle against power shortage. In April 2002, more than 6,000 households and business establishments in the so-called MAPSA area were affected and caused economic paralysis and hardships in my province. The power blackout that engulfed the province 9 years ago was due to technical problems along the 70-kilometer transmission line because during that time, the MAPSA area is getting its power supply from NPC’s 32-megawatt Power Barge 102 based in Brgy. Balatero in Puerto Galera in Oriental Mindoro.

As a response, Mamburao residents staged series of mass actions protesting the persistent power failure that hampers the trade and agricultural development of the area. Joined by the businessmen, people from the government and the Catholic Church, a series of activities that culminated via a prayer rally at the Mamburao Gymnasium was held first week of April that year. With such action, NPC engineer Ramon Osabel and his men were pressured and able to hurry up the repair of the said faulty and problematic transmission lines. The blackout in ’02 lasted for 7 long days.

Going back to the present crisis and the citizens’ response, there is an on-going signature campaign initiated by OMECO and its support groups to call the attention of P-Noy and immediately intervene on the matter. Manifestos from almost all walks of life are out calling on the investigation on the deep roots of fuel shortages namely in MIMAROPA and specifically in Occidental Mindoro. There are also plans of launching series of campaign activities to ultimately solve the power crisis in Occidental Mindoro both in long and short terms. According to OMECO board chair Samuel Villar, another way of temporary solving it is for OMECO to rent generator sets but it needs consultation first with the member-consumers through district assemblies for we will be additional charge on our electric bill. In short, such expenses will be passed on to consumers. But there are no final touches on this yet.

One thing is certain so far. The two political titans will both claim credits on the issue.

In this crisis that we are facing, the people cannot SOLELY depend on politicians because most of them are suffering from acute messianic complex. Our collective efforts are best needed now. Let us let them know that we already have learned our lessons and join the protests against power shortage, during times of crisis or not.

Fools never learn but let us show those credit hungry people up there that we do. But are we really?...

-------
(Photo grabbed from Eunice Barbara C. Novio's file)